Hindi maintindihan ni Isabelle kung bakit ang lahat ng may kaugnayan sa kanyang bagong amo na si Mr. Alezander Lagdameo ay pamilyar sa kanya. Sekretarya lamang siya nito at iyon ang unang beses na magkakilala sila ngunit hindi iyon ang ibinubulong ng kanyang damdamin. Hanggang isang araw ay mapunta sa kanya ang isang lumang kwintas na orasan na siyang magiging susi upang mabuksan ang katotohanang nagmula pa sa nakaraan... maraming lihim ang malalantad na may kinalaman sa kanilang dalawa ni Alezander. Silang dalawa ay dating nagmamahalan na pinaghiwalay ng tadhana sa nakaraan... makakaya niya kaya itong tanggapin kung ang nakaraan ay nauulit na naman sa kasalukuyan?
7 parts