Lahat tayo, may kaniya-kaniyang biyahe sa buhay. Pero sa isang simpleng jeepney ride ay magkakasalubong ang daan ng iba't ibang uri ng pasahero- bawat isa ay may sariling kuwento, problema, at pinanggagalingan.
Habang umiikot ang jeep sa maalikabok na kalsada ng siyudad, unti-unting nagiging malinaw na sa buhay, lahat tayo ay pasahero: may mga sabay-biyahe, may bumababa, at may mga babalik din sa parehong ruta.
At sa gitna ng mga abot-bayad, siksikan, at sigawan ng konduktor, baka doon mo rin matuklasan kung anong klaseng pasahero ka sa jeep...
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kanya pero biglang nagbago ang lahat nang may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya ipaliwanag sa mga magulang na sa kabila ng pagiging mahigpit nila ay nakalusot pa rin ang ganitong pangyayari sa kanya?
Him: Mula siya sa makapangyarihang angkan. Sikat sa paaralan dahil sa pagiging racer at playboy 'kuno' nito. Kung mayroon man siyang katangian na nakuha sa pamilya ng ama, iyon ay ang pagiging seloso at mapagtanim ng sama ng loob. Tahimik ang buhay-binata niya pero nag-iba nang muling nagtagpo ang landas nila ng babaeng isinumpa niyang hinding-hindi niya pwedeng maging kaibigan pero sa isang iglap ay lihim nyang pinakasalan. Paano niya malusutan ang gusot kung sa mga mata ng pamilya ay imposibleng maging sila?