Sa tatlong taon na pagkakarelasyon ni Lisa at Jennie ay mas lalo pa itong tumibay dahil sa tunay na pagmamahalan nilang dalawa. Ngunit dumating ang araw na ang pamilya ni Jennie ay nais na lumipat sa ibang bansa upang doon manirahan. Naging mahirap ito para sa kanilang dalawa lalo na't hindi pwedeng gawin ni Jennie ang tumutol sa kagustuhan ng kanyang ama. Walang nagawa ang dalawang magkasintahan kundi ang tanggapin ang haharapin nilang pagsubok. Nang dumating ang araw na kung saan ay lumisan na sa ibang bansa si Jennie at ang kanyang pamilya, mas naging mahirap para kay Lisa ang magkaroon ng koneksyon sa kasintahan nito, dahil sa simula noong araw na iyon, ay bihira nalang niyang makausap si Jennie, kadalasan nga ay nakakausap niya ito ng isang oras lamang sa loob ng isang araw. At dumating pa nang ilang araw, ay muling hindi na nagparamdam sa kanya si Jennie. Sa lahat ng Social Accounts ng kanyang kasintahan ay nakadeactive na ito. Labis ang lungkot at galit na naramdaman ni Lisa, dahil sa hindi tinupad ni Jennie ang naging usapan nilang dalawa noon.
58 parts