Resche's perfect life in her last year as a high school student turned upside down when her long time boyfriend pulled a hilarious stunt in front of the student body on the first day. *** Akala ni Resche payapa siyang makaka-graduate ng Senior High School nang walang gulo o walang kahit ano mang conflict. Akala niya okay lang ang lahat hanggang sa sinira iyon ng kanyang boyfriend nang makipaghiwalay ito sa kanya sa gitna ng buong field sa first day of class. Wala pa man din sira na ang buong school year niya. Siya si Resche Angelique, ang SSG President. Ni minsan sa buhay niya, wala siyang bagay na pinagdudahan tungkol sa kanyang sarili. Naniniwala siya sa kanyang kakayahan pero salamat sa kanyang ex at hindi na niya tuloy alam kung ano at sino nga ba talaga siya.