Mga tulang minsang nagbigay ng mahika sa relasyon naming dalawa, ang naging susi sa paglalakbay sa makulay na daigdig ng pagmamahalan. Ang mga tulang ito ay minsan ko ng naibigay sa minsan ko ng minahal sa aking buhay. Sinimulan ko ito sinulat noong Hunyo 2020, inilimbag noong Oktubre 2020 na may titulong "Walang Hanggang Pagtula Para Kay Dustin" at natapos 'to noong Hunyo 2021 na may bagong titulo na "Paano Umibig Ang Isang Makata?" May mga tulang 'di maayos, may kulang at may kamalian sapagkat ito ang mga panahon na nagsisimula at nagsasanay pa lang akong gumawa ng tula. Ito sana ay may tatlong daang pahina ngunit dahil 'di ko na mahanap ang ilang pyesa ay nagkaroon lamang ito ng humigit kumulang na isang daang pahina. Ang mga tulang ito ay patuloy ng binalot ng panahon at patuloy ng kinakalimutan ang kasaysayan ng taon. Inilathala ko lang muli ito para ipakita sa inyo ang mundo ng pagibig at mag paalala na ang mundo na ito ay hindi isang biro bagkus ito'y may responsibilad na mahalin at alagaan ang relasyon niyong dalawa. Naging mabato at matinik man ang aming pinagdaanan ngunit naging masaya parin ako sa isang taon naming pagmamahalan. Sa kanya ko natutunan na hindi biro ang pagmamahalan na hindi lang ito tungkol sa mga paruparo at mahikang nakikita sa telebisyon. Siya rin ang naglabas kung sino ang ako at kung ano ang ako kaya kahit may mga alaala man kaming labis naming tinatanggal ay masaya parin akong nakilala ko siya. Sana ay masiyahan at maibigan niyong basahin ang kwento naming dalawa gamit ang tulang aking inilathala at hayaan niyong dalhin kayo nito sa isang kwento kung Paano Umibig Ang Isang Makata.All Rights Reserved