78 kg. Ganyan kabigat ang batang balyena.
Bakit mabigat?
Dahil dala niya ang hinagpis ng buong dagat.
Hindi siya nagkwekwento sa kahit na sinong malansang isda
Mas gusto niyang magrent ng computer at isulat ang mga sakit sa site na tinawag na Wattpad.
Ito ang mga kabiguan at imahe ng durog kong puso
Binugbog man ng kapwa ko isda o ng mahal kong dagat, heto't lalangoy parin
Bakit mabigat?
Dahil dala ko ang hinagpis ng buong dagat
At dala ko ang puso ko na patuloy ang pagtibok kahit na dinudurog.