Sila ang dalawang babae mula sa magkasalungat na mundo ngunit may parehong masamang reputasyon. Si Harlow babaeng lumaki sa depressed area. Kinakatakutan at mukhang sanggano. Nabubuhay sa araw-araw sa sarili niyang diskarte pero punong-puno ng pag-asa at may mabuting puso. At darating siya sa buhay ni... Zoie, babaeng mala anghel ang mukha at lumaki sa marangyang buhay na pinapangarap ng marami. Ngunit sa paligid niya siya ang may class na bruha, isinusumpa at kinasusuklaman ng mga tao sa mundo niya. Sa pagtatagpo nila, may mabuti kayang itong ma-idudulot sa isa't-isa? Sundan ang kanilang kwento...