Meadow and Lions by Tyler Glare We all have the freedom to dream what we want, to achieve who we want to be. Libre lang naman ito at hindi naman napakahirap gawin kaya, bakit hindi? Mag-iisip ka lang ng mga nais mong makamit sa buhay o mga bagay na gusto mong ariin. Ngunit habang napapalapit ka na sa edad ng isang young adult ay tila napakahirap mag-isip at mag-desisyon. Hindi na lang ito pangangarap ng isang batang sumusubo ng lollipop o 'di kaya'y kendi. Isa na itong mabigat na desisyong kailangan mong panindigan mula noong nasabi mo sa sarili mong, "Ito ang gusto kong gawin sa buhay." Ngunit tama ba nga ba ang landas na tinatahak mo? Maaaring oo, maaari rin namang hindi. Si Ken Daniel Sarmiento ay isang 17 taong gulang na mag-aaral sa ika-12 na baitang na naghahanda para sa mga nalalapit na College Entrance Exams. Ngunit ang problema'y hindi pa niya alam ang kukuning kurso sa kolehiyo. Naguguluhan siya dahil hindi pa niya nahahanap kung saang larangan siya magaling. Kung siya ang tatanungin, ayaw naman niyang matigil sa pag-aaral kaya pinili na lamang niya ang kursong sa tingin niya'y makakatulong hindi lamang para sa kaniyang pamilya ngunit pati na rin sa ibang mga tao. Wise decision ba ang nagawa niya? Si Arizona Santillan ay anak ng isang doctor at nurse sa isang sikat na ospital. Achiever na siya magmula pa noong siya ay nasa elementary kaya hindi na rin kataka-taka na isa siyang matalinong dalaga. Mula pa noong bata siya ay namulat na siya sa iba't-ibang bahagi ng science lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa Medicine. Gayunpaman, mas paborito niya ang subject na math at nais niyang kumuha ng kurso sa kolehhiyo na may kaugnayan dito. Bagama't nakapagdesisyon na siya sa kukuning kurso, iba naman ang gusto ng mga magulang niya para sa kaniya. Ano ang kahihinatnan niya?