Ano nga ba ang katangian ng dream guy ko? Possible ba na kahit isa ay wala akong maibigay dahil sa nakaraan na pilit kong kinakalimutan. Ngunit bakit parang naglaho lahat ng kinakatakutan ko simula nong makilala ko ang ubod ng yabang at chinitong lalaking ito.
Maingay, makulit, sweet at higit sa lahat gwapo. Ngunit isang pangyayari ang hindi inaasahan na makakapagpabago sa kanilang lahat.
Maari bang kalimutan ng puso ang isinisigaw nito?
Ang sabi nila makakalimutan ng isip ang lahat ng masasakit at masasayang ala-ala ngunit kahit kailan man ay hindi nakakalimot ang puso.