Nagmahal ka na ba? Yung tipong hindi lang mahal...mahal na mahal! Yung ibibigay mo ang lahat, isusuko mo ang lahat pati na ang virginity mo. Yung alam mo namang meron siyang iba pinush mo pa rin. Sa sobrang saya mo sa kanya nakalimutan mo na ang pamilya mo, ang mga friends mo...pati na ang sarili mo. Then sa huli iiwan ka din pala na parang laruan, na parang basura, na parang taong grasa lang na dinadaan-daanan. Alam mo na mahal mo siya and life for you would be impossible kapag wala siya. Pero naisip mo rin ba na... "Yes. It's hard to let go, but it would be more painful to stay...AND SUFFER for the rest of your life!" Gusto mo ba yun? Syempre naman hindi. Kaya samahan niyo ako sa journey ko. Paano nga ba nagsimula ang lahat? At paano ito natapos.