Matapos ang ilang taon, bumalik si Jasmina sa kinalakihan niyang probinsiya. Pero sabay nang pagdating niya, ay tuwing gabi ay misteryosong nawawala ang mga pusa. Ang iba ay bumabalik kinaumagahan, pero meron din ang hindi na. Hanggang may isang matanda na nakapagsabi na ang mga pusa ay hinihiram o kinukuha ng Diwak. Ang Diwak, ay isang makalumang nilalang na namuhay bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. May kapangyarihan 'tong mag-anyo hayop pero ang paborito nito ay pusa. Ang kwento ay mahilig 'tong mag-alaga ng mga pusa kaya madalas nanghihiram o di kaya'y inaangkin ang mga pusa na nawawala tuwing gabi. Hindi naman raw 'to masama. Basta huwag mo lang galitin at lalong lalo na kunin ang mga pusa na nakursunadahan na niya. Pero noong nawala ang mga pusa ng mga pamangkin ni Jasmina, ay napagdesisyunan niya na hanapin 'to.