1 Ito ang paghahayag ng Diyos kay Jesu-Cristo, at kanya namang inihayag kay Juan na alipin niya, sa pamamagitan ng anghel. Ang layon ng paghahayag na ito'y ipabatid sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit nang maganap. 2 Ito ang patotoo ni Juan sa mga nakita niya- tungkol sa inihayag ng Diyos at pinatunayan ni Jesu-Cristo. 3 Mapalad ang bumabasa ng aklat na ito, ang mga nakikinig sa hulang inihahayag nito, at tumutupad sa nasusulat dito! Sapagkat ang lahat ng ito'y malapit nang maganap.All Rights Reserved