Pagmulat ng aking mga mata, Anino mo'y wala na. At ang tanging natira Ay ang amoy ng iyong alaala. Alaalang mahirap bitawan, Di tulad mong basta nang-iwan. Pilit inaalam Kung saan ba nagkulang. Bakit ako nasasaktan Na di alam ang dahilan? Hindi parin malaman Kung bakit ka lumisan.