"Kelan ba ako bibigyan ng mundo ng kasiyahan" Ayan ang laging tumatakbo sa isipan ni shane, lage nalang kase na malungkot ang kanyang buhay at ang dahilan nito ay pera, sa bawat takbo ng buhay nya ay lagi nalang syang malungkot.
Ang pamilya ni shane ay wasak wasak kaya lage ito kung magaway, dahil nga sa pera at dahil den sa pagkain, lageng iniisip ni shane kung makakaya nya ba ang agos ng buhay niya o susuko nalang siya para makapag pahinga.
Hindi lang ang pamilya ni shane ang problema niya, problema niya den ang skwelahan niya, dahil lahat na ata ng classmate niya ay galit sakanya, Halos lahat kase doon ay mayayaman at sagana sa salapi, habang siya ay isang dukha, Nakapasok lamang siya sa skwelahan nayon dahil sa tito niya, tinutulungan siya ng tito niyang makapag tapos, ang usapan kase ng pamilya nila ay ang pag aaral lang ni shane ang aasikasuhin ng tito niya.