Mahigit isang taon ang mabilis na lumipas. Naroon uli si Cherra sa lugar na iyon, kung saan sya unang lumuha at nasaktan. Naroon sya sa eksaktong lugar kung saan una nyang nakitang hinalikan ni Rod si Mendy. Kahit hanggang ngayon ay parang ganoon pa rin ang nararamdaman nyang kirot nang maalala ang tagpong iyon. Kasalukuyan syang nakatayo malapit sa baybayin ng resort na iyon habang nakatanaw sa dagat, hinahayaang malayang liparin nang hangin ang kanyang hanggang beywang na buhok. Malungkot na binabaliktanaw ang nakaraan. “Cherra..” mahinang pagtawag ng boses na iyon ng pangalan nya. Ang boses na iyon, na kay tagal nyang inasam na marinig. Na lagi ay dinadalangin nyang dumating ang araw na muli itong mapapakinggan, at makita ang nagmamay-ari nitong kay tagal na niyang inaasam na masilayan. Animo isa itong musika sa kanyang pandinig na tumunaw ng kanyang nararadamang kalungkutan, at bagkus ay pinuno nito ang kanyang puso ng kaligayahan. “Rod..” mahinang usal nya sa pangalan nito, nang dahan-dahan nyang lingunin ito. Nakita nyang nakangiti ito at nakatitig habang unti-unti itong lumalapit sa kanya. Tila nananaginip sya ng mga sandaling iyon. Panaginip na dinadalangin nyang huwag sanang mawala, sa oras na magising sya. Panaginip na lagi nyang dinarasal na sana ay pagbigyan ng Maykapal ng katuparan. Ito na ba katuparan na iyon? Ngayon na ba ang panahon kung saan pwede na nilang bigyan daan ang kanilang mga nararamdaman? Pero paano ang kasintahan nitong si Mendy? At paano ang nobyo nyang si Gustav? Papaano nila haharapin ang mga ito? (UNEDITED)
29 parts