Umpisa pa lang ng storyang to, sasabihin ko na sa inyo na hindi sa bidang babae sya nagkagusto.Hindi sya yung lalaki na magkakagusto dun sa babaeng pangit sa simula tapos aayusin para gumanda. Lalong hindi sya yung lalaki na magkakagusto dun sa babaeng inaapi kagaya sa mga pelikula. Sinasabi ko sayo to dahil baka umasa ka na sya yung bad boy na sikat at maraming nakukuhang chicks. Quite the opposite. Kumbaga sya yung plain John na dapat umeextra lang.at yung babaeng nagustuhan nya? Walang iba kundi ang evil queen, ang antagonist sa love story ng bida. Oo. Na-inlove sya kay Buenavida.