Sa pag-ibig, hindi sapat ang tiwala, sakripisyo, at pagtitiis lang para makamit ang inaasam na pagmamahal mula sa isang tao. Kinakailang mayroon ding tamang kapal ng pagmumukha, dahil aminin na nating hindi gano'n kadaling makuha ang pagmamahal ng isang tao. Minsan kailangan mong bumaba sa lebel ng mga taong may saltik, at gawing kasing kapal ng espalto ng kalsada ang mukha mo para lang makuha ang atensyon ng taong gusto mo. Tulad na lang ni Barista"Barry"Malabanan na gagawin ang lahat upang makamit ang pag-ibig na inaasam-asam mula sa kababata, at kapitbahay niyang si Atlas Ferrer. Kahit pa kahihiyaan ang laging inaabot nito.