30 players, 12 challenges, an unknown island, and a chain message.
Hindi na mabilang sa daliri ang nawawalang mga estudyante taon-taon sa iba't ibang unibersidad. Isang kakaibang chain message ang kanilang natatanggap bago pa man sila mawala. Hindi naman matukoy ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod nang pagkawala ng mga mag-aaral na ito.
Isang chain message na may kaakibat na responsibilidad ang natatanggap ng mga nawawala. Dinadala sa kakaibang lugar kung saan ginaganap ang isang laro. Nakalakip dito ang lihim na laro ng buhay at pera. Ito ang larong pinasok nang mga nangahas sumali o sinali. Kapalit ng tagumpay ay malaking halaga ng pera. Kakaunti lamang ang nakakaalam ng laro. Larong susubukin ang iyong pasensiya, tiwala, lakas, at talino.
Handa ka na bang sumali sa larong, "Play or Pass?" Tara na! Be one of them.
Book cover: Ginoong Nicolo
There are times na kapag wala na tayong choice at naiipit pa tayo sa isang sitwasyong hindi natin gusto, nakakagawa tayo ng mga maling bagay at mga desisyon.
Hindi natin namamalayan na ang bawat kilos at sinasabi natin, nagigiging dahilan pa uli ng isa pang pagkakamali until it became worse than expected.
Pero paano kung ang ginawa mong mali ang magiging simula ng lahat?
Paano kapag 'yung taong dinamay mo ang siya namang hindi mo kayang tanggihan?
Lalayo ka pa?
O itutuloy mo 'yung ginagawa niyo kasi nahuhulog kana?
Paano mo kukumbinsihin ang isang tao kung wala naman palang kasiguraduhan ang lahat?
Paano mo pa ipaglalaban ang nararamdaman mo kung alam mong sa inyong dalawa, malabong maging seryoso?
Susugal ka ba sa sinimulan mong laro?
O ititigil lahat ng ilusyon na baka gusto ka din niya?
Sino nga ba ang talo... ang panalo?
Kung pareho silang sumuko na.
Lalaban ka pa ba para hindi siya mawala at mapunta sa iba?
O Hahayaan na siya para hindi na masaktan pa ang bawat isa?
WELL... YOU WANNA KNOW BA?
READ FIRST. ENJOY :)