"At ngayon na alam kong mahal natin ang isa't isa, kahit pigilan nila ako ay wala silang magagawa. Ipaglalaban kita hanggang sa kamatayan." Mula sa isang simpleng "hihintayin kita" hanggang sa "mahal din kita." Makalipas ang sampung taon ay muling nagkita sina Andres at Cecilia. Hanggang saan ang kaya nilang hamakin para lamang maipadama sa isa't isa ang kanilang pagmamahalan? May magagawa nga ba sila upang maipaglaban ang kanilang pag-ibig na pinagtibay ng matagal na panahon ng paghihintay?
More details