Sa bawat lungkot may saya.
Kung nasaktan ka man ng taong halos sambahin mo sa mahabang panahon.
Isipin mong may dahilan ang lahat.
Kung bakit sya nawala sa buhay mo.
Isipin mong hindi pa katapusan ng iyong kapalaran..
Naguumpisa ka palang sa pagtahak ng daang iyong nilalakaran...
Isipin mong sa pagdaan ng panahon...balang araw makikilala mo rin ang taong sadyang laan para sayo.
Isang taong mamahalin ka sa tamang paraan at hindi gugustuhing making nahihirapan,ngdurusa at nasasaktan ka.
May times na akala mo yung taong palaging nasa tabi mo ay palaging nandyan maghihintay lang sayo. Pero masakit din di ba at nakakapanghinayang kung isang araw bigla nalang siyang bumitaw sa'yo at makahanap ng ibang taong mamahalin?
Hindi ka ba magsisisi kung ang taong tunay na nagmahal sayo ay pinalagpas mo lang?