"Kadiliman man ang bumabalot sa ating buhay, pilit pa rin tayong naghahanap ng liwanag na mag bibigay sa atin ng bagong pag-asa" Isang dalaga ang napapalibutan ng mga mahihiwagang bagay at pilit humahabol sa kaniya. Dala ng kaniyang kuryiosidad, sinundan niya ito ngunit sa ibang dimensyon siya napadpad. Doon niya nakilala ang isang malupit na Alcalde Mayor na tagapamahala ng Bayan ng San Angeles, puro pag papahirap sa tao at di magandang pamamahala na dahilan ng di magandang epekto nito sa bayan. Ang dalaga ba ang magiging sugo ng liwanag upang magbigay ng pag-asa sa Bayan ng San Angeles? At ang magbubuhay sa patay na puso ng Alcalde Mayor?
4 parts