Isang pamamahay ang nababalot ng kababalagahan na siyang konektado sa padre de pamilya ng mga naninirahan dito. Isang hindi pangkaraniwang nilalang ang nagpaparamdam sa mga anak ng mag-asawang Felix Castallano at Martha Castallano na sina Raoen Castallano at Zoeia Castallano. Ngunit sino nga ba ang babaeng nagpaparamdam sa kanila? Bakit ang mga anak lamang ang pinaparamdaman? Paano nga ba ito naging konektado sa ama nila? Posible rin kayang may alam rin ang kanilang ina? At ano nga ba ang kanyang dahilan kung bakit hindi pa rin siya matahimik? Sa kabilang banda, sabay rin nating tutunghayan ang kwentong pag-ibigan na unang nagsimula sa online. Paano nga ba nila ito ipagpapatuloy? O matutuloy pa kaya ang naudlot na pag-iibigan ng ating mga bida? Abangan na lamang po ninyo sa pamamagitan ng pagbabasa ng aking kwentong isusulat. ~enialleor