Blurb: Iniwan ko ang payak na pamumuhay sa aming munting baryo upang makapag aral sa isang nursing school sa maynila. Hindi naging madali ang pamumuhay ko dito sapagkat hindi ako sanay sa maingay at magulong mundo ng maynila. Hindi ko lubos maisip na ang pagpunta ko pala sa maynila ang siyang maglulubog sa akin at magpapatikim sa akin ng KAPIT SA PATALIM. Habang nag aaral ako ay pinasok ko ang buhay entertainment. Isang entertainer sa bar mabigyan man lang ng kaunting ganasya ang pamilya ko sa probinsya at makatulong sa pagbabayad ng matrikula ko. Isang malamig na gabi habang busy akong nag aaral sa club ay biglang napukaw ng atensyon ko ang isang lalaki. Nakatitig ito sa akin! Malagkit! Sobrang lagkit! para akong binuhusan ng malamig na tubig habang hindi nawawala ang tingin ko sa kanya. Mas lalong nanglambot ang mga buto ng lumapit siya sa akin at pinili akong sumama sa kanya sa kwarto.