Julian Sarmiento has always been a happy go lucky kid.Though may pagka-introvert ito dahil lumaki itong isolated sa bahay. Sa kabila ng pagkakakulong sa apat na sulok ng bahay ay hindi ito naging hadlang upang mas makilala ni Julian ang sarili. Malawak ang kaniyang imahinasyon at iyon ang ginawa niyang puhunan sa pagtuklas ng pangarap. Maliban sa eskwela ay sa laptop niya ibinubuhos ang naturang oras. Masaya ito sa paglikha ng mga librong fictional sapagkat sa ganitong paraan niya nailalatag ang mga bagay na hindi niya maaaring maranasan sa totoong buhay.Dugo at pawis ang ibinubuhos niya sa bawat obrang kaniyang nililikha. Nang masiguradong masaya siya rito ay napagpasyahan niyang maging isang manunulat. Kabado pa nga itong nagsabi sa kaniyang pamilya ngunit laking tuwa niya nang suportahan siya ng mga ito. Ngayong 18 years old ay katatapos niya lang ng Senior High School mula sa strand na HUMMS. Kung hindi ba naman kasi nauso ang pahirap na K-12 program na yan ay malamang tatlong taon na siyang nasa kolehiyo at nag-aaral ng creative writing. Habang papalapit sa realidad, batid niyang hindi na aayon ang tadhana sa kaniya. Lumalaki na siya kasabay ng mga responsibilidad. Kahit pansamantala lamang, gusto niyang maranasang tumayo sa sariling mga paa at makawala sa puder ng pamilya. Sakto at nauuso ang ilang summer activities sa kanilang henerasyon. Naging matunog sa mga tao ang isang summer camp na kung tawagin ay "La Tierra Firma". Maraming kabataan ang gustong makaranas lumungga rito dahil napakaganda raw ng tanawin at mainam na libangan. Sa pagtapak sa lupain ng "La Tierra Firma", hindi inaasahang makakabangga ni Julian ang lalaking sobrang kasalungat ng kaniyang pag-uugali. Nuknukan ng yabang, sungit, at...kagwapuhan? Matatagalan kaya ni Julian ang pananatili sa kampo kung makakasama naman nito ang antipatikong nagngangalang Pacifico Del Mundo? ............ CLICK READ FOR THE UNCUT DESCRIPTION. ENJOY READING! Started:11/11/20All Rights Reserved