Dalawang buwang sanggol pa lamang si Angelie nang mangako ang sampung taong gulang na si Christian Jason Orozco sa ama niya na pakakasalan siya sa pasapit ng ika-labing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang nakalampas matapos ang eighteenth birthday niya. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Angelie ay makakaharap niya si Christian Jason Orozco upang ipatupad dito ang pangakong binitawan. Si Christian Jason Orozco ay walang balak na pakasal sa kahit sinong babae. Pero determinado si Angelie and he was holding on to his promise once upon a time.......