"Siya? Tangina niyo, sinayang niyo ang oras nating lahat at malalaman kong hindi siya yung mythical vampire?!" "Master-" " 'Wag na 'wag niyo akong pigilan kung papatayin ko ang babaeng yan." Napatigil si Sasha ng sabihin iyon ni Zion sa mismong harapan niya at agad nagliyab ang mata nito dahilan para mapatingin ang lahat sakniya, ngunit walang kaalam alam si Sasha sa nangyayari sakaniya. "Aba gago ka pala e, wala naman akong sinabi na ako ang mythical vampire kayo itong minanmanan ako at kikidnapin ako tapos ako pa may kasalanan? Putangina ng buong pagkatao mo." "Haha putangina ko? Eh kung patayin ko buong pamilya mo, putangina ko pala e sige papatunayan kong putangina ako." Nang marinig ito ni Sasha ay biglang humangin ng malakas at agad na tumilapon ang lahat ng bampira sa kwarto at dumikit sa mga pader, napatingin sila kay Sasha na nakaangat na ang mga paa sa sahig. Imposible. Ang nasa isip ni Zion dahil tao lamang ito at bakit nito nagagawang lumutang sa ere? "P.U.T.A.N.G.I.N.A KA? HE GNUK WAKI GNA NIYATAP OK? TIHSLLUB!" Halos mapanganga ang lahat sa sinabi nito, kakaibang lengguwahe at alam nila kung ano ito ngunit hindi parin nila maintindihan ang sinabi ni Sasha. Biglang bumukas ang pintuan ng silid at lumabas doon ang tatlong pulong ng matanda. "She is not a mythical vampire, she's an atrocious."