"Andyan ako! Andyan ako noong walang-wala ka Zage! Andyan naman ako palagi... Pero b-bakit? Bakit n-nagawa mo akong i-ipagpalit? Nakarinig ako ng bulong-bulungan sa loob ng restaurant. Habang siya naman ay nakatingin lang sa akin, blanko ang mga mata. At mistulang magyeyelo kung ikaw ay tititigan niya. "Nandyan ka, pero malayo ka. May pangangailangan-" Hindi ko na siya pinatapos at madali-dali ko siyang sinampal. "H-hindi ka sana magsisi, Zage. Paalam. Nawa'y maging masaya ka sa kaniya." Pinalis ko ang aking mga luha at kahit hirap na hirap ako sa paglalakad, umalis na ako sa lugar na iyon. "You're going to regret this, Castillejo."