Bata pa lang si Jinx ay alam niya nang may kakaiba sa kaniya dahil sa hindi pantay na pagtrato sa kanilang magkakapatid. Siya ang nag-iisang babae sa tahanan ng mga Caronel ngunit imbes na magbuhay prinsesa ay bangungot ang naranasan niya. Sa edad na limang taong gulang ay nakakita siya ng harapang pagpatay. Nang tumuntong naman siya ng pito ay naranasan niyang kumitil ng buhay. Lahat ng bangungot ni Jinx ay bunga ng kasakiman ng kaniyang ama-ang unang tao na dapat sana ay magtatanggol sa kaniyang anak. Ngunit magmula nang magkaisip siya ay isa lang ang naging silbi niya sa ama, ang maging assassin ng Caronel Mafia-maging kriminal alang-alang sa imahe ng kinilalang ama. Sa lahat ng ito ay isang misyon lang ang makakapagpabago sa buhay niya-ang mga taong makikilala at mamahalin niya. Ano ang gagawin niya kung ang mga taong natutunan niyang mahalin ay ang siya palang dapat niyang patayin? - wreignkesia Start: December 7, 2020 Finished: May 23, 2023
58 parts