Magkaibigan sila Mhelanie Jane Martinez at Sean Andre Dela Veja simula bata hanggang sa magkaisip sila. Hindi naman inaasahan ni mhelanie na magkakagusto siya sa kaibigan niya. Dahil masyadong mabait at sweet si sean kaya hindi malabong hindi niya ito magustuhan. Pero dahil narin sa magkaibigan sila may nais si sean na tupadin at yun nga ang maging sikat na artista balang araw. Hanggang sa umedad sila ng twenty-four hindi nawala ang pagkagusto ni mhelanie kay sean dahil narin sa angking kakisigan nito at kagwapuhan. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayare umamin si mhelanie kay sean na gusto niya ito pero siya namang tinanggihan ni sean dahil sa magkaibigan ito. Labis ang sakit na naramdaman ni mhelanie dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Hindi alam ni mhelanie kung bakit parang naging desperada siya kay sean at nagawa niyang ibigay ang bagay na kaniyang iniingatan. Hanggang sa may mabuo sa kaniyang sinapupunan na siyang tinanggihan naman ng binata. Labis ang sakit at galit ni mhelanie kay sean dahil sa pagtaboy nito sa kaniya. Ipagpapatuloy.....