Ilang araw ng di nauwe si Teo. Hindi niya ako pinapansin, pag nagtetext ako sa kanya ay di siya nareply. Ayaw ko siyang pagisipan ng masama pero nakikita ko ang pagbabago niya nitong mga nakaraang araw. Nahihirapan ako sa inaasta niya. "Hoy Kia, tulala ka nanaman ah! Okay ka lang ba?" Tanong ng kaibigan kong si Gizelle. Hindi alam ng mga kaibigan ko na kasal na ako. Ang alam nila, kagaya nila ay studyante lang din ako at single. "Ah.. Oo naman, medyo nastress lang don sa exam natin kanina." Sabi ko. "Sus! Alam mo hindi ka ba naboboring sa everyday routine mong school-bahay lang? C'mon, sumama ka naman samin paminsan minsan. At staka tapos na naman yung exam natin e." Komento ni Lyka. "Oo nga naman. Oo nga pala si Rio may paparty daw ngayon. Game? Almost all of our classmate will come." Aya ni Malyn. "Game!" Sabay-sabay nilang pagkakasabi. Ako lang ata ang di umimik e. "Ano Kia? Game?" Tanong pa ni Daisy. "Ah e kasi...." Bago ko pa man matuloy ang sasabihin ko ay hinila na nila ako, balak ko sanang magprotesta dahil baka umuwe si Teo sa bahay at di ako madatnan baka magalit pa sa akin pero hindi sila nagpatinag at sinama padina ako. Kanina pa kaming nandito sa Club kung saan ginanap ang party ng classmate namin na si Rio. Nagsasaya ang lahat at naglalaro ng Truth or Dare samantalang ako ay nakaupo lang dito sa couched at pinapanuod sila. Nakauwe na kaya si Teo. Medyo naiihi ako kaya nagpaalam ako sa mga kaibigan kong lalabas muna ako para pumunta sa CR. Hinahanap ko kung nasaan ang CR ng mahagip ng tingin ko si Tan, tropa ni Teo. Nakaupo siya sa isang couched at may mga kasama. Lalapitan ko na sana siya ng maaninag ko yung isa niyang kasama. Huminto ang mundo ko. Di ko namalayang tumulo na ang luha ko. Nakapulupot ang kamay ng babaeng iyon sa leeg niya. Habang ang kamay niya ay nasa bewang nito. Tumatawa siya at halatang naglalambingan silang dalawa. "Teo" Nangangatal at pabulong kong pagkakasabi.