Lumipat si Renice Sevilla sa isang paaralan na pang-mayaman o mas kilala bilang Gregorio School. Ngunit dahil karamihan sa lugar nila ay mayayaman, napunta siya sa section kung saan makakasama niya ang mga scholar, ang mga estudyanteng pinag-aaral mismo ng paaralan. Sa Gregorio School ay may kakaibang rules. Rules na gustong mabago ni Renice para magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa bawat estudyante. Mawawala na ba ang diskriminasyon na matagal nang tinitiis ng ibang mag-aaral?