Hindi maganda ang panlabas na anyo ni Rhinea ngunit hindi ito naging hadlang upang mahalin siya ni Andrew, ang kanyang unang pag-ibig. Sa paglipas ng mga taon na patuloy pa rin silang nagmamahalan kahit wala silang kumunikasyon at hindi nagkikita. Masasabi na ba nila na sila ay para na sa isa’t isa kahit hindi pa sila? Ngunit paano ang pagtataksil na nagawa ni Rhinea upang matupad lamang ang pangakong binitawan niya sa napayapang kaibigan na si Albert? Mahal pa ba siya ni Andrew kahit na umayaw ito at tinanggihan niya sa panliligaw nito. Ngunit paano ang pinangakuan naman ni Andrew nang kasal kay Michelle ang kanyang unang pag-ibig, tutuparin kaya niya ito o babaliin ang pangakong iyon kahit na buhay niya ang nakasalalay. At matatanggap pa ba nila ang isa’t isa kapag nalaman nila na kapwa na silang binago ng panahon. At paano rin ang pinakatatagong lihim ni Rhinea, sasabihin niya ba ito sa pinakamamahal niyang si Andrew?