Sa nagdaang 7 taong pagsasama nina Zenith at Kent bilang mag-fiance walang naging dahilan para magkaroon sila ng pag-aaway, ginagawa ni Zenith ang lahat para iwasan ang pag-aaway, palagi nyang iniintindi kung nawawalan ng oras sa kanya si Kent, kapag nakakaramdam sya ng tampo at naipapakita nya yun sa fiance nya, isang sabi lang ni Kent ng Mahal kita, nawawala na ang galit nya. Ngunit sapat na ba ang salitang Mahal Kita para manatili at intindihan nya si Kent sa pagkakamaling nagawa ng kasintahan nya?All Rights Reserved