"Pangarap ko ang ibigin ka at sa habang panahon, ikaw ay makasama. Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito. Pangarap ko ang ibigin ka." Mahahalintulad nga ang pag-ibig ni Janelle sa kanta ni Regine Velasquez na "Pangarap ko ang ibigin ka." Nangangarap kasi syang mahalin din ng taong gusto nya pero masyado 'tong mailap. Kapag lalapitan ito at kakausap ay laging pabalang at parang laging galit pero kahit ganun pa man ay hindi pa rin magbabago ang pagtingin nya kay Jian. Lagi nyang pinaniniwalaan ang gatagang "Jian can ride, but Jian can't hide." kaya kahit saan man sya magpunta ay talagang mahahanap nya. Pangit man tignan sa iba dahil sya ang naghahabol pero di ba? Kapag may tsaga, may nilaga. Sapat na ba ang pag-ibig para lumigaya sya?