"Theia, naisip mo na ba kung paano kukunin si Sean?" tanong ni fatima, napabuntong hininga si Theia. "Hindi ko sya pipilitin. Masaya ang buhay nya dito at mapayapa. Ngunit ng dumating ako ay nagsimula na syang mapahamak" sabi ni theia at tumingin kay sean na ngayon ay naghuhugas ng pinggan. "Sa ayos mong yan, isa lang ang masasabi ko" sabi ni maxi at ngumiti. Alam man nating makukulit ang magkakapatid na prinsesa ngunit nagsaseryoso ito kapag may problema. "Ano yun?"( ano yun?) sabay na tanong ng dalawa. Ngumiti ng mas malapad si maxi "Na mahal mo sya" pagkatapos nyang sabihin yun ay biglang natahimik si theia at fatima. Pero kalaunan ay sabay ding nalungkot. "Ngunit mapapahamak lang sya pag minahal ko sya ng husto" malungkot na sabi ni theia habang kinakagat ang ibabang labi. "Dahil may posibilidad na mamamatay sya dahil sayo o isasakripisyo mo ang trono dahil sa kanya. Pero matanong nga kita theia, sapat bang rason ang pagiging mahusay na reyna kung ang kapalit naman ay ang buhay ng iyong minamahal?" tumahimik sandali si theia sa sinabi ni fatima at kalaunan ay sumeryoso ang mukha. " Hindi ko hahayaang masaktan sya, dadaan muna sila sakin bago sila makalapit kay yuhan, masyado ko syang mahal para sa aking trono" sabi ni theia at nag apir ang magkapatid.All Rights Reserved