PROLOGUE🥀
Rosei's Point of View.
Nandito ako ngayon sa comfort room nag sasalamin ng biglang nag ring ang phone ko kaya bahagya ko itong sinagot.
[Rosei, nasaan kana ba?] Tanong ni mama mula sa kabilang linya.
"Nasa comfort room parin ma, bakit?" Sagot ko.
[Gusto ka raw mameet ng stepbrother mo pumunta ka sa 3rd floor doon ang office niya] Masayang sabi niya.
"Sige" Tanging sagot ko.
[Goodluck, sana maging close kayo] Natatawang sabi niya pero hindi ko na siya sinagot pa at binaba na ang phone.
FASTFORWARD.
"Excuse me miss, saan dito yung office ng anak ni Mr. Torres?" Tanong ko sa babaeng napadaan.
"Diyan po" Sagot niya at tinuro ang pintuang nasa gilid namin.
"Ah sige, thank you" Sabi ko, tumango naman siya 'tsaka umalis.
Dahan dahan akong lumapit sa pinto at kumatok.
"Bukas yan" Sabi ng nasa loob, familiar ang boses niya ah.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Pag pasok ko ay may isang lalaki ang nakaupo sa swivel chair pero hindi ko pa makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya.
"Hi, ako si rosei. Gusto mo raw ako mameet?" Nahihiyang ani ko pero hindi siya sumagot o humarap manlang.
"Excuse me?" Ani ko kaya dahan dahan siyang humarap at pag harap niya nanlaki ang dalawang mata ko at napatakip pa ng bibig. HINDI AKO PWEDENG MAG KAMALI, SIYA SI ICE! ANG LALAKING NAKA ONE NIGHT STAND KO. OMG, STEPBROTHER KO ANG NAKA ONE NIGHT STAND KO?! BAKIT SIYA PA! SA DINAMI DAMING PWEDENG MAGING STEPBROTHER SA MUNDO BAKIT YUNG NAKA ONE NIGHT STAND KO PA?! ANONG GAGAWIN KO?!
END OF PROLOGUE.
Want to ask me questions? See my behind the scenes? Even see my upcoming story sneak peeks?
Here you can request for a chapter read request as well as critique. There's even something better-talking to me about anything you want!