Hindi na iba sa atin ang makakita ng mga natutulog sa loob ng sasakyan, madalas isa rin tayo sa nakakatulog dahil sa haba at nakaka-inip na biyahe. Noong araw na iyon, nagawa ko ang ganoong sitwasyon subalit sa nakakakilabot na pangyayari -isang panaginip naakalain mong totoo ang bawat nangyayari. Sa parehong sitwasyon, sakay din daw ako ng pamapasaherong Dyip biyaheng Alabang nang magising ako sa lakas ng busina nito. Pagmulat ng aking mga mata isang Truck ang tumambad sa harap ng sasakyan namin. Sa taranta ng aming Driver iniliko n'ya ito, subalit sa sobrang kalituhan bumangaa kami sa mga halaman at madamong gilid ng karsada at tuluyang rumagasa pababa ng bangin. Nagpagulong-gulong kami kasabay ang mga nagsisigawang pasahero.All Rights Reserved
1 part