Nang makatapos ako ng college wala akong ibang pinlano kundi agad na maghanap ng trabaho. Bilang panganay at laki sa hirap maaga akong namulat sa realidad ng mundo. Kailangan kong pagsikapan lahat ng bagay. Matamlay ang mundong ginagalawan ko na mas lalo pang gumulo habang tumatanda ako. Salamat at dumating ka dahil kundi dahil sa'yo hindi ako makakangiti. Ngunit ako na siguro ang pinakatangang tao para iwanan at pakawalan ka. Tinalikuran ko ang taong nagbigay sa akin ng saya. Sa oras na handa na ako makikita pa kaya kita ? Hintayin mo ako sa dati nating tagpuan, kung saan nagsimula ang lahat, walang iba kundi sa kapihan.