Cassandra Nicole Ramos Sandoval Tristan Mark De Valdez Raxton I hope you enjoy :) -------------------- "Magkikita ulit tayo. Pangako yan" sambit ng isang lalaking hindi ko kakilala "Pangako magkikita muli tayo." Sambit niyang muli pero nanatili lang akong nakatingin sakanya at inaaninag ang kanyang mukha Dahil nasisilawan ng araw ang kanyang mukha kaya hindi ko makita. Sa galaw at sa katayuan niya ngayon para siya isang prinsipe na naligaw lamang sa aking panaginip "Wala kabang gusto sabihin?" Rinig ko na namang sabi niya Sino kaba hindi ko alam ang iyong pangalan. Ang mukha mo hindi ko masyadong makita "Mahal kita" sagot niyang muli at hinaplos ang aking Mukha. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.... At.... . . Bigla nalang akong napatayo sa kama ko at tumingin sa palagid? Panaginip na naman. Ang lalaking yon?siya na naman! Ang lalaking yon. Lagi ko nalang napapaniginipan at hindi ko maaninag ang kanyang mukha at hindi ko alam ang kanyang pangalan. Araw-araw ko siyang nakikita sa panaginip ko. Sa yung panaginip na yon ay parang totoong magkasama kami. Simula bata palang ako ay lagi ng nangyayare saakin to. Nung ako ay nagkaisip na at nagtaon ng 8 taon ay may isang batang lalaki na akong napapanaginipan na hindi ko kakilala at hindi ko nakikita ang kanyang mukha Malabo siya sa mga panaginip ko. Lagi ko ito kinukwento sa magulang ko noon pero ang tanging mga sagot lang nila ay baka crush ko lang daw ang batang yon. Kaya simula non hindi na ako nagkwento pa. At Hanggang ngayon tumanda ako ay meron din, Ngayon siya ay isang matangkad at payat na lalaki. Ayaw ko man sabihin pero para siya isang prinsipe kung tumayo at gumalaw sa mga panaginip ko. Ang gulo. Sino kaba? Magkakilala ba tayo? Ang lalaking nasa panaginip ko. #biscuit All right reserved 2020