"Nakakatuwa na nakakainis, tatamaan ka ng pana ni Kupido sa panahong 'di mo inaasahan. Sa tao na 'di mo inaasahan at sa taong magpapagulo sa tahimik mong mundo."- Katherine Isang journalist si Katherine sa PSG magazine. Dito na umiikot ang buhay niya. Kaya naman sa edad na beinte-nueve "never been kissed never been touched" ang drama ng buhay niya. Hanggang sa i-assign siya ng kanilang executive editor para sa organic farming. Pero 'di niya inaasahan na ang agriculturist na makakasama niya ay ang lalaking tumawag sa kanya ng bakla at antipatiko sa kanyang paningin. Matatagalan kaya niya ito kung sa bawat araw na dumadaan ay pagkairita ang nararamdaman niya?