
Paano nga ba ako magsisimula? Sa pag-guho ng aking katauhan o mismong trahedya na pilit kong takasan dahil hindi ko na kayang panindigan? Kailan man, o nino man. Hindi ito ang gugustuhing mangyari o kapalaran. Simple, tahimik, walang gulo. At higit sa lahat, ay kompleto at totoo. Masaya naman ako buong araw, ngunit pag namamahinga na ako sa aking higaan ay wala na akong maramdamang saya, laging may kulang. Pakiramdam ko'y meron akong naiwan sa nakaraan, ngunit sino? Sino nga ba siya... bakit ba laging niyang ginugulo ang aking isipan. Kailanma'y hindi ko siya nakikilala... Ang alam ko'y, makikilala ko lamang siya kung maramdaman kong hindi ko siya kayang makita sa ibang tao. Gusto ko'y sa'kin lamang siya. Kahit ano pang dahilan niya para sukuan ko siya, itsura o ugali, hinding-hindi ko siya susukuan at lagi siyang iintindihin. Kahit ako nga'y, pilit kong itanggi ang aking pag-ibig sa iyo. Hindi parin nagbabago ang nararamdaman ko sa'yo, ikaw parin ang iniirog ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na hawakan muli ang iyong mga kamay, maramdaman ang pag-ibig na kailan ma'y hindi ko malilimutan. Mahal... Sana'y... dumating na ang panahong makita muli kita. Book Covered by: @nthmacariaTodos os Direitos Reservados
1 capítulo