Ang lalaking mahulog sa kanyang matalik na kaibigang babae ay isa sa mga gasgas na pangyayari na sa mundo ngunit hindi lahat ay nagkakatuluyan sa huli. Sa kabila ng mapait na katapusan, mayroon at mayroon pa ring isang lalaki na handang gawin ang lahat upang makatuluyan ang babaeng kaibigan at makasama siya hanggang sa pagtanda. Oo nga't maaaring magmahalan na sila kaso paano kung ang kanyang matalik na kaibigan ay ang taong hindi pala talaga niya kilala. Malala, may isang taong nagbalik mula sa kanilang nakaraan at nahulog ito sa kanya. Naguguluhan ang lalaki.
Ipaglalaban ba niya ang pagmamahal niya sa kanyang "bestfriend" o tuluyan niya itong iwanan at saktan din ang taong nagbalik mula sa kanilang nakaraan? Saan hahantong ang mga pag-aaway na makakasira sa kanilang lahat?
Palaging tatandaan, mula sa isang segundo hanggang anong oras, ang tadhana ay maaaring paikutin ang iyong buhay ng walang pasabi.