-Update every 3 days- Naranasan mo na bang umakyat sa isang mataas na gusali? Naranasan mo na bang manghina dahil sa pagkalula ng pagtingin mo sa ibaba? Paano kung mapadpad ka sa mundong normal na lamang ang ganitong pakiramdam sa araw-araw?Tatagal ka ba? Lupain, kapatagan at palayan. Mula sa pag-usbong ng sibilisasyon. Ang lupa na ating nilalakaran ang siyang isa sa mga dahilan kung bakit ang sibilisasyon ng TAO ay unti-unting humakbang patungo sa estado ng sibilisasyon natin ngayon. Maging sa kasalukuyan, Nanatili at itinuturing pa rin na kayamanan ang ating mga lupain. Umabot pa sa puntong ang mga nasyon ay nagkaroon ng sigalot dahil rito. Ngunit may karapatan nga ba tayong mga TAO na tawaging pagmamay ari natin ang isang lupain? May karapatan ba talaga tayong pagtabuyan ang ibang nilikha, hayop man o kapwa tao sa isang lupain dahil may pinanghahawakan tayong titulo? "Paano kung mapadpad ka sa mundong walang ibang tao na nagmamay-ari ng lupang iyong natatanaw, Ano ang gagawin mo?" Paumanhin, mali pala ang aking katanungan. "Paano kung mapadpad ka sa mundong ang tao ay walang karapatan na magmay-ari o kahit na umapak lamang sa lupa, Ano ang gagawin mo?" ........ [ Warning this work may contain religious deities and events but not to offend anyone beliefs, it only use as reference ]
6 parts