53 parts Complete Pumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay.
Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno.
Mabuti sana kung buhay lamang ni Bullet ang nagulo... dahil pati puso niya ay nagsimula ding maapektuhan.
"Would you like to like me?" tanong ni Uno.
Pilit kong iwinawaksi sa aking isipan ang imbitasyon niyang iyon. Pakiramdam ko kasi ay susuwayin ako ng damdamin kong may kakaibang emosyong umuusbong para sa kanya.
Hindi maaari iyon lalo pa at hindi ko pa nareresolba ang tinatakasan kong nakaraan.
Damn his smile! Damn his presence! And damn that face that makes my heart go crazy when he moves it closer to mine! sabi ni Bullet sa kanyang sarili.
Damn you, Uno- Wait! "Damn" ba o "Love" ang damdamin niya para kay Uno?
***
NOTE: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
***
Date first published: July 26, 2017
Date completed: July 26, 2017