Si Kirsten Denise R. Bautista ay isang transferee sa Stanford Univeristy. Dito nag-aaral ang kambal nya na si Krystelle Shinize at ang pinsan na si Freya Shae Dizon. Hindi tulad ni Shin na malusog,maingay at maraming kaibigang lalake si Denise naman ay masakitin, tahimik at dakilang man hater. Identical twins sila ngunit matutukoy mo kaagad ang kaibahan nila. Matangkad at chinita si Denise kumpara kay Shinize na mas mahaba ang buhok kumpara kay Denise. Jaxon Owen A. Cañete, isang sikat na manlalaro ng volleyball at consistent honor student ng Stanford University. Isa sya sa mga kinababaliwan ng mga babae sa university dahil sa angking kapogian at hubog ng katawan nito. Si Shin ang ideal girl ni Jaxon. Maingay,makulit,palatawa at maganda..pero sa di inaasahan ay biglaang nagbago iyon at ang kambal niyang si Denise ang nagpapatibok sa kanyang puso. Nararamdaman na ni Denise iyon kaya panay iwas nya kay Jaxon pero sa huli ay nagkagusto pa rin ito sa binata. Naging masaya ang relasyon ng dalawa at ang takot ni Denise ay unti unting nawala hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan. Ano nga ba ang nangyari? Magkakatuluyan pa rin ba sina Denise at Jaxon o mayroong hahadlang sa masayang relasyon nilang dalawa?All Rights Reserved