Nasa high school si Alice nang magkaroon siya ng malaking paghanga kay Nathan. In fact, kinaibigan pa nga niya ito para mapalapit dito at maramdaman nito ang presence niya. Hanggang sa isang araw… “Alice, si Alize, girlfriend ko. Alize, si Alice kaibigan ko.” Alice was very hurt lalo pa’t kapangalan niya ang kasintahan ng kanyang ‘one and only love.’ Tinanggap niya iyon ng buo dahil wala siyang makitang kapintasan kay Alize. Hanggang sa magkaroon sila ng matinding di pagkakaunawaan ng dahil kay Alize na isa palang maldita. Simula no’n ay di na siya kinausap ni Nathan at gano’n din ang ginawa niya. Galit siya dito dahil mas pinaniwalaan pa nito ang kasintahan nito gayong mas matagal naman ang kanilang pinagsamahan. After 10 years, nagkita muli sila at parang aso’t pusa na sila kung magbangayan. Sa malas kasi ay naging magkapitbahay pa sila. Naroon pa rin ang pagsinta niya sa lalaki ngunit ma nangingibabaw ang ngitngit niya rito. Then she noticed that Nathan is trying to win back their friendship, and at the same time, making her fall for him…again. Paano na kaya ang ngitngit ni Alice para kay Nathan?