Sa lahat ng kakulitan at kalokohan nyang pinaggagawa sa family nya at friends to the point na dumating na parang hangin na lang. All her friends ay umiiwas na sa kanya. Lahat galit na sa kanya. In short wala nang nagmamahal sa kanya Pero kahit ganon man. Tuloy pa rin sa kakulitan at kalokohan nya. Lagi nyang naririnig ang mga katagang..... " Kababaing tao, ganyan. Nakakabwisit" Pero nginingitian nya lang ito o di kaya gumagawa na naman sya ng panibagong kalokohan. Pero sa kabila nang lahat..... Sa loob loob nya.... Sobra syang nasasaktan To the point na gusto na nyang mamatay Pero ayaw nyang iwan ang family and friends nya Dahil sa sobrang pagmamahal nya sa mga ito. Kahit na iwasan at di pansinin. O mas malala pa eh! Di na mahalin. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ang makitang masaya at ligtas ang mga mahal nya sa buhay. Lingid sa kaalaman ng lahat. Ang mga natatanggap o nangyayari sa kanilang magandang pangyayari ay dahil yun sa kanya Araw araw syang gumagawa ng kalokohan para lang mapansin at mapatingin lang sa kanya ang mga taong Mahal nya. Kahit na galit ang nababasa sa mga mata nito. Pero iniisip na lang nya na, pagmamahal yun para sa kanya. Wala nang taong gustong makasama say at makausap maski ang mga parents nya. Kinahihiya sya Pero ano ang mararamdaman nila kung mabasa at matagpuan nila ang video at letter na iniwan nya matapos syang masagasaan ng truck dahil sa pagligtas nya sa pamangkin na anak ng kanyang ate. Sa huli nyang hininga, nanatili pa rin syang nakangiti at may iniwan pa syang sorpersa sa kanyang mga mahal sa buhay.