Mina Cortez, ang binibining may kakaibang wangis. Maputi at napakaputla ng kaniyang balat at maging kaniyang buhok. May asul na mga mata at may taglay na kagandahan. Buong buhay niya ay umikot lamang ang kaniyang mundo sa loob ng kanilang tahanan at walang ibang nakasalamuha maliban sa kaniyang ama at ina. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay may isang ginoo na lubos sa kaniyang humahanga noon pa 'man. Ito ay si Joeliano Crisologo, ang ginoong nalalapit maging isang ganap doktor. Lubos niyang tinatangi ang dalaga mula pa noong kanilang pagkabata, ngunit kinailangan niyang umalis dahil sa kanilang pagbabalik sa bayan kung saan siya namulat. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ito sa kaniyang pagbabalik at sa kanilang muling pagtatagpo ay may hahadlang muli upang sila ay tuluyang magkakilala. Naakusahang kaanib ng mga rebelde na naglalayong mapatalsik ang mga ganid sa kapangyarihang mga opisyales ang mag-asawang Cortez at ito ang naging katapusan ng kanilang buhay. Nahayag sa lahat ang pagkatao ng dalaga kasabay niyon ay ang pagbago ng kaniyang buhay. Ano ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan kung sa umpisa pa lamang ay hindi na magtugma ang kanilang landas? Hindi pa 'man sila nagkakakilala ng lubos ay muli na naman silang magkakalayo.