Taon-taon ay nagkakaroon ng retreat ang Mataas na paaralan ng Simala, pinaghandaang mabuti ang nasabing aktibidad dahil kasabay rin nito ang ika-sampung anibersaryo ng nasabing paaralan. Sila ay magtutungo sa kagubatan na malapit sa Bundok Gahala, milyang-milyang layo mula sa kanilang bayan, ang Paham. Ngunit tila kakaiba ang nangyari sa kalagitnaan ng selebrasyon. May mga lihim na mabubunyag. May mga taong mamaalam. May mga taong aabot sa dulo. May mga taong magsasakripisyo. Sa murang edad, ano sa tingin mo ang magagawa ng batang ito?