Roseph was a lucky teen who was pampered to focus only on his studies by his loving parents. May kaya sila but medyo rude nga lang siya and kapag walang pasok he would just kill time exploring the world...and his dreams? He only desires to liberate anything. His friends on the other hand were different. Ipinalaki sila upang maging matatag, maginoo at may masaganang kultura the classic Pilipino way. Sa hilig niyang humanap ng mga antigo napapad siya sa isang tagong library ng kanilang bahay. Dito niya nakita ang isang libro na pumukaw ng kanyang atensyon na tila nagpataas ng kanyang mga balahibo. May pamagat hetong "Familia Disa-Cruz." Sinubukan niyang buksan ang mga pahinang mala-kapeng kulay at nabasa niya ang pangungusap na, "Ang isip mo ang tanging sandata at ang kayamana'y sayo ipipinta." Mga ilang sandali lamang ay bahagyang bumukas ang isang tagong pinto sa kanyang kaliwa na may pangalan sa itaas na D'entr Disa-Cruz. Naghalo ang kanyang pananabik at takot subalit gusto niya ng thrill kahit lubos na ipinagbabawal ng kanyang magulang ang kanyang paglilibot doon. He then quickly took the book with him and ushers towards the door without hesitation. Dumbfounded, nakalagos siya sa isang siyudad na singtulad ng Binondo ngunit ang mga gusali'y tulad sa Intramuros na parang bumalik sa panahon ng Espanyol. Sa kanyang pagmamasid sa lugar, nakabangga niya ang isang mestisa at singkit na dalaga na dala-dala ang librong kanina lamang ay hawak niya. Ipinulot at inabot niya ang nalaglag na libro at magpapaumanhin pa lamang ngunit tinarayan siya ng dalaga at pagtapos ay nagpaumanhin sa kanya. Laking pagtataka niya ngunit may gusto siya sanang itanong sa dalaga subalit nagpatuloy ang paglalakad nito patungo sa loob ng isang gusali. Ano kaya ang susi na gagampanan ng dalagang iyon at bakit nasa kanya ang librong tungkol sa kanyang pamilya? Matatamasa na kaya niya ang kanyang simpleng pangarap?